Advertisers
Nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) na dapat obserbahan ang carrying capacity sa Boracay dahil sa posibleng peligro ng paglitaw ng sinkholes.
Inihayag ng ahensya na vulnerable sa sinkholes ang isla.
Ayon kay Engr. Mae Magarzo, hepe ng MGB Geosciences Division, land depressions ang sinkholes dahil sa pagtanggal ng suporta sa ilalim dahil sa lindol o dahil sa pagbaba ng tubig sa lupa.
Napag- alaman na limestone ang kabuuan ng Boracay.
Ayon kay Magarzo, nabubuo ang sinkholes sa linestone.
Sa isinagawang Karst Subsidence Hazard Mapping noong 2018, natukoy sa Boracay ang 789 sinkholes, 801 noong 2019, 814 noong 2022, at 815 mula sa 2021 hanggang 2022.
Nakakalat umano ang mga sinkhole na ito sa 3 barangay sa isla ng Boracay.
Inihayag din ni Magarzo na ang sinkhole ang “most dangerous type of hazard” dahil walang indikasyon kung kailan ito lalabas.
Sa pag-aaral, dapat nasa 1,085 lamang ang ideal arrival per day.