Advertisers
Nagkalat ang sangkaterbang alak sa isang bakanteng lote nang mahulog sa gilid ng kalsada ang delivery truck na nagkakarga sa mga ito sa Malilipot, Albay. Ang sasakyan, bumangga sa isa pang truck na alak din ang laman.
Sa ulat, mapapanood sa isang video na humaharurot pa ang truck bago ito nadisgrasya.
Napasugod sa lugar ang ilang kalalakihan, hindi lang para makiusyoso kundi para kumuha ng mga alak na maaari pang pakinabangan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, papunta ng Catanduanes ang delivery truck para ihatid ang kargang mga alak, pero nawalan ito ng kontrol.
Nag-offline ang CCTV sa lugar sa lakas ng impact.
Sugatan ang tatlong katao sa insidente, kasama ang driver ng bumanggang truck.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at naisugod agad ang mga biktima sa ospital.