Advertisers
WINALIS ng Filipinas ang Philippine women’s national team ang Papua New Guinea 9-0 sa kanilang friendly rematch sa Western Sydney Wanderers Park sa Australia.
Ito na ang pang-30th international match ng Filipinas at huling laro ngayong taon.
Tila naulit ng Filipinas ang naging laban nila ng parehas na koponan noong Linggo sa score na 5-1.
Ngayong taon kasi ay maraming mga accomplishment ng Filipinas na una ay ang pag-qualifiy nila sa FIFA Women’s World Cup, nanguna rin sila sa AFF Women’s Championship at nagwagi sila ng bronze medal sa Southeast Asian Games sa Vietnam.
Kasalukuyang nasa 53 ang FIFA ranking ng Filipinas kung saan ang mga friendly games nila sa Australia ay bahagi ng paghahanda nila para sa World Cup.