Advertisers
Arestado ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na nagsisilbing ‘fixer’ at dalawang kasabwat sa ikinasang operasyon sa Quezon City.
Hindi muna isinapubliko ng LTO ang pagkakakilanlan ng isa nilang empleyado na naaresto at dalawa pang kasamahan habang iniimbestigahan pa ang kaso.
Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal sa Quezon City ang mga suspek.
Sinabi ng mga awtoridad, sinubaybayan nila ang tatlo mula sa LTO Central Office sa lungsod hanggang sa 11th Jamboree St., Timog Avenue sa QC hanggang sa maaresto ang mga ito.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11032, Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) at Article 210 (Direct Bribery) at Article 315 (Swindling/Estafa).