Advertisers
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang tagumpay ng pagtungo sa Europa, ang kanyang unang pagbisita sa kontinente mula nang siya ay naging Pangulo, nakakuha ng P9.8 bilyong halaga ng mga pangako sa pamumuhunan.
“I am also pleased to announce that European business confidence in Philippines is high as evidenced by the expansion plans of European companies that were met in the sectors of fast-moving consumer goods, shipbuilding, renewable energy and green metals,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang arrival statement kasunod ng pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.
Dumating ang Presidential plane na lulan ang Pangulo at ang delegasyon ng Pilipinas 6:58 ng gabi ng Huwebes sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Sa ginanap na gala dinner ng EU, sinabi ng Pangulo na nakipagpalitan siya ng kuru-kuro sa kanyang mga katapat sa kooperasyon ng ASEAN-EU, partikular sa connectivity, trade, green at digital transition, food security, at geopolitics.
Ayon sa Pangulo, ikinararangal niyang ihatid ang isa sa mga pambungad na pananalita sa Commemorative Summit, kungsaan ipinakita niya ang mga kamakailang milestone sa relasyon ng ASEAN-EU – ang pag-ampon ng ASEAN-EU Plan of Action para sa 2023 hanggang 2027, gayundin ang paglagda sa ASEAN-EU Comprehensive Air Transport Agreement.
“I also welcomed the adoption of the Joint Leaders’ Statement at the ASEAN-EU Commemorative Summit, which is the product of intensive discussions between ASEAN and EU Member States through our Ambassadors to ASEAN in Jakarta,” diin ng Pangulo.
“This is a very significant development that EU has turned very, very distinctly towards the Asia-Pacific region when it comes to the driving force behind the new global economy,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.
Sa 10th ASEAN-EU Business Summit, sinabi ng Pangulo na natutuwa siyang ibahagi ang pananaw ng Pilipinas sa pagpapalalim ng kalakalan ng ASEAN-EU sa pamamagitan ng pagsisikap sa sustainable development, na siyang tema ng Business Summit.
Sa sideline ng summit, si Pangulong Marcos ay pinagkalooban ng Royal Audience kasama si King Philippe ng Belgium at nagsagawa ng mga bilateral na pagpupulong kasama ang kanyang mga katapat mula sa Czech Republic, Netherlands at Spain, na lahat ay naging maganda para sa Pilipinas at sa mga kasosyo nito.
Sa summit, sinamantala ng Pangulo ang pagkakataon makipagkita sa mga Pilipino sa Belgium, na inilalarawan niya bilang katuparan dahil “narinig niya ang kanilang mga alalahanin at na-update sila tungkol sa mga prayoridad ng aking administrasyon.”