Advertisers
BUMISITA si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Secretary Ma. O Aplasca sa Loakan Airport sa Baguio City upang suriin ang seguridad ng mga pasilidad ng paliparan tulad ng gusali ,control tower,runway at aerodrome sa muling pagbubukas nito para sa commercial flights.
Sa pagbisita, nakipagpulong ang OTS sa mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang sama-samang tasahin at tukuyin ang kinakailangan sa seguridad para sa nasabing paliparan na naaayon sa seguridad nito.
Matatandaan na naunang gumawa ng test flight ang Philippine Airlines sa nasabing paliparan at maglulunsad ng mga direktang flight papunta at pabalik ng Baguio City at Cebu City noong Disyembre 16,2022 .
Binigyang-diin ni Aplascana ang mga hakbang sa seguridad ay dapat ituring bilang bahagi ng mga operasyon ng eroplano at paliparan.
“It is both our responsibility to provide passenger accessibility,while at the same time, ensuring their security. Many people nowadays would not appreciate security that much,until there comes another incident that would once again change how we see air travel just as we did after 9/11. That is why the OTS wants to make our message to come across resounding and clear: Security is the pillar of public trust in transportation.” ayon kay Asec. Aplasca
Kaugnay nito, sa paunang pagtatasa ng OTS, ang mga sumusunod ay ang mga inirerekomendang pagpapabuti sa pisikal na mga hakbang sa seguridad sa Baguio Airport at ito ay kinabibilangan nang pagpapalakas o pagpapabuti sa mga bakod ng pasilidad, karagdagang mga tauhan ng seguridad,karagdagang kagamitan sa pagsusuri ng seguridad,paglalagay ng CCTV system at pagbutihin ang sistema ng ilaw sa pasilidad. (JOJO SADIWA)