Advertisers

Advertisers

Junkshop worker patay sa salpok ng van

0 201

Advertisers

Patay ang isang junkshop worker nang mabangga ng van habang nagga-guide sa kanilang service truck na umaatras patungo sa national highway sa Lucena City 10:00 nitong Sabado ng gabi.

Nasawi bago pa man mairating sa ospital ang 47 anyos na biktimang si Merlito Reyes dahil sa mga pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Ayon sa report ng Lucena police, nasa likod ng service truck ng pinapasukang na FB Junkshop sa Barangay Mayao Silangan ang biktima at inaalalayan ang driver sa pagpapaatras ng sasakyan palabas ng Lucena city diversion road nang bigla na lamang sumalpok dito ang isang van.



Nahagip din ng van ang biktima na tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada.

Sa lakas ng pagkasalpok, nawasak ang van at naipit sa manibela ang driver ng van na si Nestor Jaspio De Mesa, 50 anyos at kinailangan pa ng mga rescuer ng Quezon BFP Special Rescue Force at Lucena CDRRMO na gumamit ng mga cutter at acetylene torch para mahugot ito.

Nakaligtas naman ang driver na ginagamot sa ospital sa Lucena City pero nahaharap pa rin sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries.