Advertisers
NASA 40 manggagawa ng Cebu City Hall ang natuklasang positibo sa paggamit ng iligal na droga matapos ang serye ng surprise drug tests.
Ito ang kinumpirma ng City Office for Substance Abuse Prevention na pinamumunuan ni Jonah John Rodriguez.
Sinabi niyang sa mahigit 3,000 employees kabilang ang elected officials, 40 ang kumpirmadong gumagamit ng illegal drugs. “Most of them are from the Cebu City Transportation Office,” sabi ng opisyal.
Ayon kay Rodriguez, magsasagawa pa sila ng confirmatory tests sa mga naturang 40 employees. At kapag nagpositibo uli ay tatanggalin na ang mga ito sa trabaho.
“Since CCTO employees are mostly job orders, it is a mandate for us to be drug free.”
Mag-aalok ang COSAP ng rehabilitation program bilang bahagi ng kanilang