Advertisers

Advertisers

‘MISSING’ SABUNGEROS PATAY NA?

0 189

Advertisers

Aminado si BGen Ronald Lee Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na malaliit na lang tyansa na may buhay parin ang mga nawawalang mga sabungenro

Ito ang reaksyon ni Lee sa naging pahayag ni Department of Justice Secretary Crisping Remulla na malaking posiblidad na patay na ang mga dinukot mga sabungero.

Ayon kay Lee, siguro nagiging truthful lang si Sec. Boying Remulla at gusto lang ko lang i-relay ‘yung aking “ experience” bilang operative ng Anti Kidnapping Group (AKG) matagal ako sa AKG operations at kadalasan itong mga common criminals, itong mga kidnappers, dito sa KFR lalong lalo na dito sa Luzon na ang kanilang mga biktima ay hindi ho nila hinahawakan yan ng matagal dahil intension nila ay magkapera sila o meron silang ibang intension. Hindi tulad ng kidnapping sa Mindano o yung mga New People Army na puwede nilang hakawan yun kahit ilang taon.



Aniya, ibang-ibang ‘yung estilo ng kidnapping ng mga pagkaraniwang mga criminal ang habol ay magkaroon ng mabilisan pera.

Sinabi ni Lee na kanila parin itinuturing na “missing person” ang mga nawawalang mga sabungero hanggang wala nakikita mga katawan o “body of evidence”

“I don’t want na bigyan kayo ng pag-asa po na false hope but we still pray for a miracle. Pahayag ni Lee.

Sinabi ni Lee na hanggang sa kasalukuyang ay wala parin silang nakikita o nakukuhang mga “proof of life” o buhay ang mga nasabing sabungero.

Kaungay nito, sinabi naman ni Charlen Lasco kapatid ng isa sa mga nawawalang sabungero si Ricardo Lasco na dapat umano tanungin si Remulla kung ano ang kanyang basehan para sabihin niya yon.



“Baka mayroon siya alam kung bakit wala na yon mga tao puwede naman kasi talaga naman ang tagal dalawang taon nakakalipas,” ani ni Lasco.

“Kami practical kami noong nawala na kapatid naming naisip 2 to 3 week in time kung wala na yan wala na talaga slowly natatangap naming siyempre mahirap sa amin magulang naming yan kasi end othe day kung wala na nakiitang body wala parin we hopefully and praying for strength sana what ever naman mataggap naman ang were moving on, “ dagdag ni Lasco.