Advertisers

Advertisers

Remittance fees ng OFWs tapyasan ng 50%

0 118

Advertisers

Pinamamadali ni Davao City Rep Paolo Duterte sa House of Reprsentatives ang pagpasa sa House Bill 4469 na naglalayong mabigyan ng diskuwento ang mga Overseas Filipino Workers(OFWs) pagdating sa binabayarang remittance fees sa ipinapadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ayon kay Duterte malaking pahirap sa mga OFWs ang lubhang mataas na remittance fee na ipinapataw ng mga banko at iba pang non-bank financial intermediaries.

“The billions of dollars in remittances sent home by our OFWs, who we consider as modern-day heroes, have always been one of the country’s major economic drivers. The money they send home helped the country ride out the economic shock triggered by the COVID-19 pandemic. It is important that we protect their hard-earned earnings,” paliwanag ni Duterte na isa sa may akda ng House Bill 4469.



Sa ilalim ng panukala ay isinusulong na tapyasan ng 50% ang OFW remittance fee o katumbas ng hanggang P24,000 kada OFW sa loob ng isang taxable year.

Bukod sa pagbaba ng remittance fee ay kasama din sa panukala ang pagbibigay ng seminar ng gobyerno sa mga OFW at pamilya nito kung paano ang tamang paghawak ng pinaghirapang pera at paano ang tamang pag-iinvest.

Hindi rin papayagan sa ilalim ng panukala na magtaas ng fees ang mga banko at iba pang financial service providers nang walang kunsultasyon sa Department of Finance (DOF), BSP, at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Batay sa datos, nitong September 2022 ay tumaas ng 3.8 percent o nasa USD2.84 billion ang ipinadalang remittance ng mga OFW, inaasahan pa itong tataas sa pagtatapps ng taon, ani Duterte, bagamat nasa pandemic ang buong mundo ay hindi rin bumaba ang ipinadadala ng mga OFW sa kanilang pamilya, sa katunayan sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nasa USD31.42 billion ang naipadala noong 2021.

Iminungkahi ni Duterte na gamitin din ng mga OFWs ang ilang mobile apps at iba pang digital platforms na nagbibigay ng zero transaction fees upang makatipid gayundin ang OFBank na naisabatas sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.



“The OFBank not only offers 24/7 availability, but also shields OFWs from ludicrous foreign exchange rates and unreasonable remittance fees by offering zero charges on transfers between OFBank accounts and Land Bank of the Philippines (LandBank) accounts,” pagtatapos niya.