Advertisers

Advertisers

2 construction worker nadaganan gumuhong bakal

0 120

Advertisers

Dalawang construction worker ang nasawi nang madaganan ng mga gumuhong bakal sa construction site ng ginagawang by-pass road sa Barangay 3 San Ildefonso, San Nicolas, Ilocos Norte nitong Martes.

Sa report ng San Nicolas Police, nasa loob ng pabilog na rebar cage ang tatlong construction worker at tinatalian ang mga bakal nang biglang bumagsak ang itaas na bahagi nito.

Naipit ang dalawang trabahador na nasa gitnang bahagi ng nasa 20 feet na tunnel ng mga bakal na para sa pundasyon ng gagawing tulay sa by-pass road.



Nagawa namang makatakbo ng isa na nasa bandang dulo.

Sa bigat ng mga dumagan na bakal, kinailangan pa ng mga rescuer na gumamit ng heavy equipment crane truck para makuha ang dalawa.

Hindi na ang mga ito naisugod sa ospital at kapwa agad na nasawi.

Hinihintay pa ng pulisya kung magsasampa ng kaso laban sa contractor ang pamilya ng mga biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">