Advertisers

Advertisers

2 SUNDALO, 1 EX-CAFGU TIMBOG SA PANGHOHOLDAP

0 219

Advertisers

ARESTADO ang dalawang sundalo at isang dating miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nanghoholdap sa isang gasolinahan sa Balangiga, Eastern Samar.

Sa ulat, nakunan ng CCTV ang panghoholdap. Makikitang nagbibilang ang kahera ng gas station 8:00 ng gabi nitong Martes nang dumating ang tatlong armadong lalaki na mga naka-bonnet.

Hinabol ng isa sa kanila ang naka-duty na gasoline boy, habang pumasok ang isa sa counter ng cashier.



Bago ito, makikita sa CCTV na mabilis na itinago ng kahera ang ilan sa pera sa ilalim ng kaniyang t-shirt.

Sabay-sabay nagsitakasan ang mga salarin nang makuha na ang kanilang pakay na pera.

Nagkasa agad ang Eastern Samar Police ng operasyon at nahuli sa checkpoint ang tatlong holdaper.

Para hindi makilala sa pagtakas, gumawa pa ng paraan ang mga holdaper tulad ng pagpapalit ng kanilang mga damit at sumbrero.

Gayunman, nabosesan sila ng mga biktima at natandaan ang kanilang mga mata.



Nabawi mula sa tatlo ang isang silencer at tatlong kalibre .45 na baril. Ang isa ay issued firearm ng AFP, habang loose firearm ang dalawa.

Patuloy na inaalam kung sangkot din ang tatlo sa mga serye ng robbery-holdup sa ibang bayan sa Samar.

Nahaharap sa reklamong robbery at illegal possession of firearms ang mga hindi pa pinanglanang mga sundalo at ex-CAFGU.