Advertisers

Advertisers

Ex-SC Justice Tinga itinalaga ni PBBM bilang DBP acting chair

0 119

Advertisers

INI-APPOINT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Dante Osorio Tinga bilang acting chairman ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Kinumpirma ito ni Office of the Press Secretary Undersecretary Cheloy Garafil.

Nanumpa si Tinga sa kanyang tungkulin sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang.



Dagdag dito, si Tinga ay nagsilbing associate justice ng Korte Suprema mula taong 2003 hanggang 2009 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Una rito, naglingkod na rin siya bilang dean ng University of the East College of Law mula 1989 hanggang 1993 gayundin mula 2017 hanggang 2018. (Vanz Fernandez)