Advertisers

Advertisers

Sekretarya, 1 pang ‘killer’ ng electric coop executive?

0 145

Advertisers

KABILANG ang sekretarya at isang miyembro ng unyon ng Northern Negros Electric Cooperative (NONECO) sa itinuturing ng pulisya na mga ‘person of interest’ sa pagpatay sa kanilang general manager na si Atty. Danny Pondevilla habang nasa loob ito ng kanyang sasakyan sa Bacolod City noong Miyerkoles.

Ayon kay Lt. Jonito Pastrana, hepe ng Bacolod City Police Station 2, isasailalim sa paraffin test ang sekretarya ni Podevilla at isang miyembro ng unyon na kapwa hindi muna tinukoy para alamin kung nagpaputok ng baril ang mga ito.

Nagpapahinga si Podevilla sa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa tapat ng Bazket Bacolod sa 16th Lacson St. nang barilin umano ito ng nakamotorsiklong gunman sa batok na tumagos sa mukha nito 12:10 ng gabi.



Nangyari ito matapos dumalo ang biktima sa Christmas party ng NONECO sa EL’fisher Hotel sa nasabing lungsod.

Ayon sa guwardiya ng nasabing hotel, magkasama ang biktima at sekretarya nang lumabas at sumakay sa kotse ng una. Ilang minuto ang nakalipas, natagpuan ang biktima sa driver seat na may tama ng bala ng baril pero wala ang kanyang sekretarya.

Lumutang ito sa presinto higit sa tatlong oras pagkalipas ng ktimen. Aniya, lasing ang biktima at nagtalo sila kung sino ang magmamaneho para makauwi siya. Dahil sa kalasingan, binuksan umano nito ang pinto ng sasakyan at sumuka hanggang may dumating na riding-in-tandem at binaril ito.

Teorya ng pulisya, nasa loob na ng kotse ang gunman nang pumasok ang biktima at saka ito binaril sa batok.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">