Advertisers

Advertisers

Utol ng mayor patay sa ambush

0 204

Advertisers

NASAWI ang 77-anyos na babaeng kapatid ng alkalde sa bayan ng San Isidro, Leyte nang pagbabarilin habang sakay ng sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Sitio Kamote, Barangay Libongao Kananga, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Juanita Balmoria Veloso.

Sa ulat, 4:00 ng hapon sakay ang biktima ng Land Cruiser nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng isang sasakyan na naplakahan ng mga saksi na AVN-7103. Hindi naman nasaktan ang tatlong kasama ng biktima sa loob ng sasakyan.



Ang biktima, isang retiradong municipal administrator ng San Isidro, ay kapatid ni Mayor Remedio Veloso.

Kaagad naman ipinag-utos ni Police Regional Office-8 Regional Director, Brig. General Rommel Marbil, ang imbestigasyon sa Kananga Municipal Police, na nagsagawa narin ng pagtugis sa mga salarin.

Narekober sa lugar ng krimen ang nasa 40 basyo ng bala.