Advertisers

Advertisers

6 patay, 19 missing sa ulan at baha noong Pasko sa VisMin – NDRRMC

0 138

Advertisers

UMAKYAT na sa anim na katao ang napaulat na namatay habang 19 ang nawawala pa matapos bumaha dahil sa mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao noong mismong araw ng Pasko ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa latest report ng NDRRMC nitong Lunes, apat sa mga nasawi ay mula sa Misamis Occidental sa Northern Mindanao at 2 sa Camarines Sur sa Bicol. Lahat ng biktima ay nalunod.

Sa mga napaulat na nawawala, 10 dito ay sa Bicol, anim saeastern Visayas at mayroong 3 napaulat sa Northern Mindanao.



Mayroon ding tatlong katao ang napaulat na nasugatan.

Ayon sa civil defence worker na si Robinson Lacre, umapaw ang tubig-baha hanggang sa dibdib sa ilang lugar subalit ngayong araw ay humupa na.

Naapektuhan naman ang nasa kabuuang 100,691 katao o 23,762 pamilya mula sa mahigit 200 barangay sa Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga, at Northern Mindanao.

Nasa 44,672 dito ay pansamantalang nasa evacuation centers.

May mga kabahayan din na napinsala kung saan 27 dito ay bahagyang napinsala at 21 ang nawasak.



Samantala, nasa kabuuang P2.03 million na ang halaga ng tulong na naibigay sa mga biktima ng masamang panahon.