Advertisers

Advertisers

P42m tsongki nasabat sa Kalinga

0 144

Advertisers

NASABAT ang P42,960,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks at tubular forms sa Sitio Silay, Poblacion, Tinglayan, Kalinga.

Sa ipinarating na ulat kay Regional Director Gil Cesar Castro, PDEA ng CAR, 8:00 ng gabi nang maharang ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Drug Enforcement Unit ng Kalinga Police Provincial Office bilang lead unit, Tinglayan Municipal Police Station, RID PROCOR, RPDEU, at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company ang kontrabando.

Ayon kay Major Dominic Rosario, OIC ng PIU/ PDEU, nakatanggap sila ng tip na may isang lalaki ang magpupuslit ng saku-sakong marijuana sa Tabuk City na manggaga-ling sa Tinglayan.



Patagong nakatambak ang mga sako-sakong ma-rijuana bricks sa tabi ng National Highway ng Sitio Silay, Poblacion ng nasabing bayan.

Nakumpirma ito ng mga awtoridad kungsaan hindi na naabutan ang may-ari ng mga nasabing kontrabando.

Umaabot sa 358 kilos ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang marijuana bricks at mga tangkay na may P42.9 milyong standard drug price.

Kilala ang bayan ng Tinglayan na number 1 producer ng marijuana sa luzon. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">