Advertisers
IPINAGMALAKI ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nalagpasang revenue targets at pinangunahan ang pagpapatupad ng important grants at technical assistance ngayong 2022.
Sa kanilang year-end report, sinabi ni Department of Finance (DoF) na ang kasalukuyang revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ay pumalo na sa P3.2 trillion at nalagpasan na ang full-year 2022 Development Budget Coordination Committee (DBCC) target sa 2.2 percent.
Tumulong din ang finance department sa facilitate sa pamamahagi ng grants at technical assistance na nagkakahalaga ng tinayayang $85.5 million o P4.7 billion.
Ang iba pang accomplishment ng DoF para ngayong taon at kibabibilangan ng resolution sa tax incentives para sa business activities sa labas ng zone limits, commitment sa Extractive Industries Transparency Initiatives (EITI) at ang revision ng implementing rules and regulations (IRR) para sa Build-Operate-Transfer Law.
Naging showcase din ang Philippine Economic Briefings and Meetings na mayroong credit rating agencies gaya ng Standard & Poor’s at Fitch and Moody’s, para sa economic prospects.
Ito ay bilang dagdag sa hosting ng DoF sa 55th Annual Meeting ng Asian Development Bank (ADB). (Vanz Fernandez)