Advertisers

Advertisers

Bantag naghamon: “Patunayan nila ang mga akusasyon sa akin”

0 149

Advertisers

NAGHAMON na si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag laban sa mga nag-aakusa na siya ang nagpapatay kay veteran journalist Percival “Percy Lapid” Mabasa at sa “middleman” na si “Jun” Villamor.

“Patunayan nila. Mga gawa-gawa at imbento lang ang mga akusasyon nila laban sa akin,” depensa ni Bantag.

Nahaharap si Bantag sa dalawang kasong ‘murder’ sa pamamaslang kina Mabasa at Villamor.



Bukod sa kanya, nahaharap din sa kahalintulad na kaso si dating National Bilibid Prison (NBP) Colonel Ricardo Zulueta at ilang preso.

Matatandaang ibinunyag ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na si Villamor ang nag-utos sa grupo nito na paslangin si Mabasa.

Nakakulong sa NBP si Villamor nang tawagan umano nito si Escorial at ibinunyag na si Bantag ang nagpapatay kay Mabasa sa Las Piñas City nitong Oktubre 3 ng gabi.

Gayunman, binawian ng buhay si Villamor ilang oras matapos lumantad sa publiko si Escorial nitong Oktubre 18.

Sa isinagawang pagsusuri ng forensic expert, pinatay si Villamor sa pamamagitan ng plastic bag suffocation.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">