Advertisers

Advertisers

Bgy. chairman sa Pampanga patay sa ambush

0 191

Advertisers

NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin sa Market Plaza, Barangay Sto. Rosario, San Fernando City, Pampanga.

Sa report sa tanggapan ni Region 3 Director, General Cesar Pasiwen, kinilala ang biktima na si Jesus Liang, 63 anyos, chairman ng Bgy. Sto Rosario.

Ayon sa ulat, 8:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa Abad Santos Street nang barilin ng hindi nakilalang salarin.



Ipinag-utos na ni Lt. Col. Preston Kis-ing Baganga, OIC ng San Fernando City Police, ang manhunt operation laban sa salarin na kaagad nakatakas. (Thony D. Arcenal)