Advertisers
INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na isasapribado na ng pamahalaan ang operasyon ng EDSA bus carousel sa susunod na taon.
Sinabi ito ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista sa pagbubukas ng bagong bus stop ng EDSA bus carousel sa Tramo, Pasay City.
Noong Setyembre, matatandaan na ipinag-utos ng kalihim ang pag-aaral para sa posibleng privatization ng nasabing carousel.