Advertisers
LAHAT ng online cockfighting o e-sabong operations ay nananatiling suspended sa buong bansa, ayon sa Executive Order (EO) ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isinapubliko nitong Huwebes.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ang pangulo ay nag-isyu ng Executive Order No. 9 nitong December 28, sinabing ang online betting game ay nanatiling ipinagbabawal at inatasan ang mga awtoridad na tugisin ang mga nagsasagawa ng illegal operations.
“The State has the paramount obligation to protect public health and morals and promote public safety and general welfare,” sabi ni Pres. Marcos sa kanyang direktiba.
Noong Mayo, iniutos ni dating Presidente Rodrigo Duterte ang pagpatigil sa online cockfighting operations sa bansa, sinabing ang daan daang milyong piso na buwanang kinikita ng industriya ay hindi sapat sa social damages na dulot nito.
Base sa bagong pinirmahan kautusan ni Pres. Marcos, ang pag-broadcast ng live cockfights sa labas ng mga arena o sabungan ay mahigpit na ipinagbabawal.
Suspendido rin ang online, remote, o off-cockpit betting ng live cockfighting matches, regardless sa location ng betting platform.
Samantala, ang traditional cockfight operations sa ilalim ng umiiral na mga batas ay hindi kasama sa suspension. (Vanz Fernandez)