Advertisers
BINARIL-patay ang isang guro ng elementary public school habang papauwi ito sa Pigcawayan, North Cotabato, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Regina Cortez, 46 anyos, head techer ng Tubon Elementary School ng Sitio Barte, Barangay Capayuran, Pigcawayan.
Ayon kay Major Andres Sumugat, hepe ng Pigcawayan Police, 7:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa national highway sa Brgy. Tubon.
Nabatid na papauwi na ang biktima matapos mamili ng mga gamit nang sumulpot ang isang sasakyan at pinapatukan ang guro, na tinamaan sa ulo.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa krimen. (Mark Obleada)