Advertisers
SA kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa China, itutuloy pa rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang state visit sa Beijing sa susunod na linggo, sinabi ng isang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong Huwebes.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial, ang biyahe ni Marcos sa China ay nakatakda mula Enero 3 hanggang 5. Ang state visit ay sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
“Ang ating ugnayang panlabas sa China ay napakaimportante (Our relations with China is very important) and we have received assurances from our Chinese host that all arrangements are being made to ensure the safety of the President and the delegation during the visit,” sinabi ni Imperial.
“A bubble arrangement has been agreed for the Philippine delegation to minimize the risk of exposure to the virus. May mga pagbisita talaga na hindi natin puwedeng ipostpone (There are some visits that we could not postpone),” dagdag pa ni Imperial.
Sinabi ni Imperial na ang bawat pag-iingat ay ginagawa upang matiyak na walang miyembro ng Philippine delegation ang hindi mahahawa at hindi magbabalik sa Pilipinas ng anumang variant ng virus. (Vanz Fernandez)