Advertisers
Libong mga residente mula sa 1st DISTRICT ng ZAMBOANGA DEL NORTE ang nananawagan na IBALIK SA PAGIGING CONGRESSMAN si REPRESENTATIVE ROMEO JALOSJOS JR na inalis sa official rooster ng HOUSE OF REPRESENTATIVES dahil sa electoral protest na nakahain sa SUPREME COURT.
Halos buwan lamang ang lumipas mula nang iproklama ng COMMISSION ON ELECTIONS (Comelec) si JALOSJOS JR. bilang DULY ELECTED CONGRESSMAN sa 1st DISTRICT ng ZAMBOANGA DEL NORTE ay tinanggal na ito sa rooster.., kaya naman nitong Miyerkules ay 10,000 supporters nito ang nagsagawa ng PRAYER at UNITY RALLY sa DAPITAN CITY para sa kanilang panawagan na ibalik si JALOSJOS JR sa pagiging CONGRESSMAN upang magampananan na nito ang kaniyang Congressional duties.
“They were calling for Junjun’s (Jalosjos) reinstatement so he could help in providing immediate assistance and other reliefs to the victims of landslides and flash floods in his district brought about by heavy rains that struck Mindanao and the Visayas on Christmas Day. That”s the problem now, there is no Congressman who will directly attend to the needs of the people in the eight municipality of the 1st District pf the province, they needed financial assistance, medical assistance,” pahayag ni ZAMBOANGA DEL NORTE PUBLIC INFORMATION CHIEF BUDDY CAGBABAUAN sa isang radio interview.
Inihayag din ni CAGBABAUAN na mayroong itinalagang CARETAKER sa ZAMBOANGA DEL NORTE subalit hindi naman umano ito hands on at bihirang makita sa kanilang probinsiya na siyang idinadaing ng mga tagasuporta.., kaya kinakailangan daw na ibalik na si JALOSJOS sa talaan ng Official Members sa CONGRESS.
Mga ka-ARYA.., sa tala ng COMELEC noong May 12, 2022 ay nagkaroon ng order na mapatigil ang proklamasyon ni ROBERTO UY JR. at isang kautusan din noong June 7, 2022 sa pagdedeklarang NUISANCE CANDIDATE ang CONGRESSIONAL CANDIDATE na si FEDERICO JALOSJOS JR…, na ang naganap na halalan para sa Congressman sa Zamboanga del Norte 1st District ay si UY ang nanalo sa botong 69,591 kumpara kay JALOSJOS JR. na nagtamo ng botong 69,109 at ang nuisance candidate ay nagtamo ng botong 5,424.., pero siyempre pa, dahil iprinoklamang nuisance candidate si Federico Jalosjos ay isinalin ng Comelec ang boto nitong 5,424 kay Jalosjos Jr na noong June 23, 2022 ay IDINEKLARANG SI JALOSJOS JR ANG NANALO.
Yun nga lang.., halos buwan lang makaraang naiproklama si JALOSJOS JR. bilang nanalo ay kinatigan naman ng SUPREME COURT ang apela ni UY na payagan itong manatili sa listahan ng Congressional race noong May 10, 2022 local polls at naglabas ng status quo ante order hinggil sa Comelec’s May 10 and Jone 7 orders para hindi mapaupo si Jalosjos Jr bilang duly elected Congressman.
Dahil dito, sa parliamentary inquiry noong December 12, 2022 ay hiniling ni NACIONALISTA PARTY SURIGAO REP. ACE BARBERS na kailangang linawin ang status ni JALOSJOS JR.
“The House rules provide that if a candidate has been proclaimed winner by the Comelec and the proclamation’s validity is questioned in a judicial or administrative body, the candidate who was proclaimed winner and assumed office on June 30 following the election shall remain a House member absent final and executory judgment on or resolution of the question over the proclamation of the member by the appropriate judicial or administrative bodie,” pagpupunto ni BARBERS.
Ipinasiya naman ni HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER JANETTE GARIN na ang naturang usapin ay idulog sa Chamber’s Legal Affairs Office para sa “further study and assessment”.
Sana naman.., ang ganitong mga usapin ay hindi marapat na pinagtatagal o isantabi ng mga kinauukulan.., kailangan ang agarang pagresolba dahil ang mamamayan sa naturang distrito ang naaapektuhan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.