Advertisers

Advertisers

Panukalang poprotekta sa motorcycle parts buyer accessories inihain ng 1 Rider Party List

0 127

Advertisers

May halong saya at lungkot ang nararamdaman ngayon ng halos milyong bilang ng mga motorcycle owner riders sa bansa dahil sa panukalang batas na inihain sa Mababang Kapulungan ng 1 Rider Party List at ito ay para sa kapakanan ng mamamayang Pinoy na ang source of transportation ay motorsiklo.

Unahin natin mga Ka Usapang HAUZ na pagusapan ang lungkot na nararamdaman ng mga may-ari ng motorsiklo, ito ay dahil sa hindi man lamang umingay sa kongreso ang panukalang inihain na magbibigay sa kanila ng seguridad sa pagbili ng piyesa ng motorsiklo.

Ito na ang ipinagbunyi ng mga motorcycle owner riders mga Ka Usapang HAUZ eh kung agad na mapaguusapan sa kongreso, kasi Inihain ni 1-Rider Party-list Ramon “Rodge” Gutierrez ang panukalang batas na naglalayong matiyak na ang lahat ng motorcycle parts at accessories na ibinebenta sa riders ay sumusunod sa ipinatutupad na regulasyon sa modipikasyon ng motorsiklo ng Land Transportation Office (LTO).



Isinumite sa House of Representatives ni Gutierrez ang House Bill 6445 o “The Aftermarket Motorcycle Parts and Accessories Retail Protection Act” noong Nobyembre 29, 2022

Ang “aftermarket motorcycle parts and accessories” ay tumutukoy sa mga item na makatutulong upang gawing mas ligtas at higit na mahusay ang takbo ng motorsiklo at mas mabigyan ng ginhawa ang nagmamaneho nito. Kabilang dito ang mga item gaya ng windscreen, gulong, preno, side mirror, head light, turn signal, muffler, air filter at motorcycle stand, na binibili at kinakabit sa mga motorsiklo, ang ganda ano po?

Ayon kay Gutierrez, “Hangad ng panukalang batas na ito na mapangalagaan ang mga riders at delivery riders na bumibili ng motorcycle parts and accessories sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga retailers na mag-issue ng warranty sa mga item na kanilang itinitinda o kaya ay ibalik ang bayad ng bumili kapag napatunayang hindi sumunod ang item sa pamantayan ng LTO.”

Paliwanag ni Gutierrez, may mga inilabas na pamantayan ang LTO tungkol sa aftermarket motorcycle parts at accessories, subalit may mga nabibili pa rin ang mga nagmomotorsiklo na mga produktong hindi naman nakasunod sa regulasyon ng ahensya.

“May mga riders na nahuli ng traffic enforcer dahil nakabili at nakapagkabit ng piyesa o accessory na non-compliant sa LTO regulation. May mga nakumpiskahan rin nito sa mga isinagawang taunang inspeksyon sa pagpaparehistro ng motorsiklo,” sabi ni Gutierrez.



“Binili lang naman nila ang mga item at ikinabit o ipinakabit sa kanilang sasakyan sa pag-aakalang pasado sa tamang standard. Sila ang dehado sa ganitong pagkakataon. Gumastos na sila, sila pa ang nahuli o nasita,” dagdag pa niya.

Aniya ito ang problema na hangad niyang malutas kaya isinusulong niya sa Kongreso ang House Bill 6445.

“Kung maisabatas ito, magkakaroon ng proteksyon ang mga riders na bumibili ng motorcycle parts and accessories,” sabi ni Gutierrez.

Dagdag pa ni Gutierrez, layunin din ng kanyang panukalang batas na ipag-utos sa mga retailer na tiyakin ang maayos na pagi-install ng mga motorcycle parts at accessories, batay na rin sa regulasyong ipinatutupad ng LTO.

Ang Seksyon 5 ng panukalang batas ay nagsasabi na ang mga retailer ay dapat mag-isyu ng nakasulat na “express warranty” kung saan nakasaad na ang produkto ay nakasunod sa regulasyon ng LTO. Dapat mabigyan ng kopya nito ang bumili, kasama ang official receipt.

Nakasaad din sa Seksyon 5 na dapat nakalagay sa “express warranty” ang petsa ng pagbebenta, ang partikular na regulasyon ng LTO na sumasaklaw sa lahat ng mga item na ibinebenta, at ang tao na responsable sa pag-i-install o pagkakabit ng mga item na nabili.

Samantala, sa Seksyon 6 naman ng panukalang batas, sinasabi na kapag nadiskubre at napatunayan ng ahensya ng gobyerno na ang aftermarket parts at accesories ay hindi sumunod sa LTO regulation o hindi tama ang pagkaka-install sa motorsiklo, may karapatan ang bumili na mabawi ng buo ang kanyang ipinambili o ibinayad sa retailer.

Sa ilalim ng House Bill 6445, ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipag-ugnayan sa LTO, ang magiging pangunahing ahensya ng gobyerno na magmomonitor sa pagpapatupad ng batas.

Ang magagandang panukalang batas na dapat agad agad na pagusapan sa kongreso at kapaki-pakinabang sa Sambayanan na tulad ng inihain nitong 1Rider Party List ay dapat unahin at pagtulong tulungan ng mga Mambabatas na maipasa at maging batas para sa kapakanan ng milyong bilang ng mga motorcycle owner riders.

HAPPY NEW YEAR PO SA INYONG LAHAT PAGPALAIN PO TAYO NG PANGINOONG JESUS!

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036