Advertisers

Advertisers

“Salubungin natin ang New Year in one piece” – Mayor Honey

0 115

Advertisers

“LET us all welcome New Year in one piece.”

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod, kasabay ng kanyang apela na umiwas sa paputok na may dalang panganib sa ating kaligtasan at sa ating nga kamay bilang bahagi ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa halip, ay ipinayo ni Lacuna ang paggamit ng mga paingay na ligtas at hindi magastos tulad ng sirang kaserola, palanggana, drum at iba pa.



Muli ring iginiit ng lady mayor na ang pamahalaang lungsod ay sumusuporta at istriktong tumatalima sa kautusan kontra sa pagganit ng ipagbawal ang mga firecrackers.

Tiwala rin si Lacuna na ang Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni PBGen. Andre Dizon ay epektibong maipapatupad ang ban kotra sa mga paputok at hahabulin ang lahat ng mga lalabag dito.

Bilang isang doktor, binanggit ni Lacuna ang panganib ng paggamit ng mga paputok, lalo na yung malalakas na paputok, maliban pa sa idinudulot nitong polusyon.

Sinabi rin ng alkalde na ang buwan ng Disyembre ay itinalaga bilang “Firecrackers Injury Prevention Month” dahil sa pinagsama-samang hakbang ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan at pribadong institusyon na layunin pababain ang bilang ng mga firecracker-related injuries na kadalasang nagaganap sa New Year celebration.

Gayun pa man ay sinabi ni Lacuna na ang lahat ng city-operated hospitals ay naka-alerto simula sa December 30 upang tumanggap ng mga pasyenteng may firecracker-related injuries. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">