Advertisers
PANAWAGAN sa buong sambayanan ni Senator Pia Cayetano na suportahan at ipagdasal ang napipintong tagumpay ni gymnast Carlos Edriel Yulo ng Pilipinas sa kanyang pinaghahandaang ‘ultimate goal’ na Paris Olympics 2024 sa France.
Sa mensaheng ipinaabot ng kanyang kinatawan na si Elaine Miranda Apolonio sa ginanap na Gymnastics Association of the Philippines (GAP)/KG Management Awards Night para sa mga natatanging gymnasts ng bansa at matataas na personalidad na sumusuporta sa sports at mga institution nitong nakaraang weekend sa ballroom ng Heritage Hotel sa Pasay City,
Optimistiko ang Senadora na makakamit na ni 2019 World Gymnatics champion Yulo ang pinakamimithing Olympic gold sa Paris na di niya nakamtan noong Tokyo Olympics sa Japan.
“Yulo is a national gem,let’s all support him in a mission possible for our country- an Olympic gymnastics gold.Siya ang susunod na mag-aalay ng ginto kasunod ni Filipina weightlifting heroine Hidilyn Diaz”, mensahe ni Cayetano na isa ring sports enthusiast sa larangan ng triathlon( swim- bike- run).
Tinuran din ni Senator Pia na dapat suportahang todo ng pamahalaan at ng kanyang hanay bilang lingkod-bayan ang lahat ng atleta ng bansa na sumasabak sa international competitions para sa karangalan ngPilipinas. Sa naturang gabi ng parangal sa larangan ng gymnastics ,buong pusong pagbati ang kanyang ipinaabot kina awardees Yulo bilang ‘most bemedalled athlete nitong nakaraang 31st Vietnam SEAGames( 5golds-2silvers) na sinundan pa ng 3 golds at 1 silver sa ginanap na 9th Artistic Gymnastics Asian Senior Championship sa Doha, Qatar upang igawad kay Yulo ang GAP-KG MVP for 2022. Ayon pa kay Senator Pia ,lalong mgpapataas ang motibasyon ng batang bayani para sa mas produktibong 2023 patungong Olimpiyada sa 2024.
Ang iba pang natatanging gymnast awardees ay sina Aleah Finnegan na gold medalist din noong Vietnam SEAG,Miguel Besana ( MAG) Carl Joshua Tangonan( men’s aerobics), Charmaine Dolar( women’s aerobics), Breana Labadan( rhytmic gymnastics) , Japanese mentor Munehiro Kugiyima at GAP president Cynthia Carrion bilang NSA best leader of the year.
Ginawaran naman bilang Sports Godfather of the Year si businessman/ sportsman Manny V. Pangilinan na instrumental sa pagkakatatag ng MVP Sports Foundation Gymnastic Center sa Intramuros,Manila gayundin ay kinilala ang Philippine Sports Commission,House of Representatives at Senate of the Philippines sa kanilang suporta sa mga plano at programa ng GAP at mga national athletes. (Danny Simon)