Advertisers
ANG di matanggihang kaway ng protection money ng mga gambling at drug lord sa Region 4A sa PNP, NBI at iba pang law enforcement unit ang nagbubulid sa korapsyon, di lamang sa mga alagad ng batas kundi maging sa national, provincial, local hanggang barangay official level na dapat paaksyunan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Secretary Benhur Abalos at PDG Rodolfo Azurin Jr.
Bilang pinuno at tagapamahala ng CALABARZON Police, unang-unang dapat na pagalawin nina Sec. Abalos at PDG Azurin Jr. si PNP Region 4A Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., para ipaaresto ang grupo ng kung tagurian ay mga “kapustahan” (tong kolektor) nina PNP police official code-name RC at iba pang opisyales ng kapulisan. Ang mga “kapustahan” nila ay karamiha’y mga aktibo, retiradong pulis o militar at barangay official.
Kilala ang mga “kapustahan” (tong kolektor) ng ilang PNP official, NBI at iba pang awtoridad sa CALABARZON area na sina Timmy alias Charlie na isa ring STL bookies at sakla operator sa Laguna at Batangas, alias Major Seno, Sgt. De Guzman na may mga alias na Digoy at Allan, Sgt. Corpuz alias Butch, Sgt. Uchin, Sgt. Marcial, Kap. Ambo at Sgt. Adlawan.
Si alias Sgt. Adlawan ay nagmamay-ari ng isang napakalaking farm na may 2,000 fighting cock na inIrereklamo ng mga residente sa isang subdivision sa Sto Tomas City, Batangas. Walang lehitimo at ligal na hanapbuhay si Sgt. Adlawan, ngunit buhay milyonaryo ito sa laki ng nakakaparte mula sa nakokolektang intelhencia o tong ng ipinangingikil nitong ilang PNP at NBI official.
ALIAS SGT. DE GUZMAN AT SGT. ADLAWAN, “KAPUSTAHAN” SA BATANGAS
Binanatan ng anti-crime and drug watch group ang di matigil na operasyon ng paihi o petroleum pilferage sa mga lungsod ng Lipa ng isang alias Kap Dan, Glen sa bayan ng Lemery, Hiwatig at Lito ng bayan ng Tuy na may inooperate ding burikian sa Candelaria, Quezon.
Malakas ang loob ng mga operator ng paihian pagkat nakatimbre at nagbibigay ang mga ito ng intelhencia sa mga “kapustahan” (tong kolektor) sa Batangas na sina Sgt. De Guzman aka Digoy at Allan ay nangongolekta ng padulas gamit ang mga opisina ng Batangas PNP Provincial Police habang si Sgt. Adlawan ay umaakto namang kolektor ng CIDG sa buong CALABARZON area.
Isiniwalat ng anti-crime and drug crusader group na bukod sa mga burikian ay may tong koleksyon din sina Sgt. De Guzman at Sgt. Adlawan sa pinaka-malaking operasyon ng STL con-jueteng o bookies at saklaan sa Padre Garcia ng magkasosyong Tisoy at Nonit, mga maintainer ng STL bookies sa Tanauan City na sina Ocampo, Ablao, Kon. Burgos, Kap Mario, Ms Bagsic, Cristy at ng 30 iba pang bookies operator, pergalan maintainer ng Tanauan na sina Agnes, Nikki Bakla, Lipa City na si Glenda, bayan ng Padre Garcia at Rosario na si Venice, pawang sa probinsya ng Batangas.
May kinokotongan din na mini- casino operator sa may palengke ng bayan sina alias Sgt. De Guzman at Sgt. Adlawan. May tara din sa dalawa at maging sa ilang miyembro ng PNP-CHPG at local na police ang mga operator cargo truck at driver na ginagawang garahe at parking area ang kahabaan ng kalsada mula sa Brgy. Bolbok tapat ng Philippine Port Authority (PPA) Office hanggang sa Port zone ng Brgy. Sta Clara, Batangas City. Kolektor naman nina Sgt. De Guzman at Sgt. Adlawan ng tong mula sa mga truck driver doon ang ilang private security guard na nakatalaga sa Batangas Port Zone.
Libu-libong colurom passenger van driver at operator ang kinokolektahan din ng suhol nina Sgt. De Guzman at Sgt. Adlawan ang sangkaterbang walang franchise na passenger van sa Grand Terminal Compound sa Diversion Road, sa mismong Batangas City Port Compound at sa harap ng Pure Gold, Batangas City Proper, SM parking area sa Lipa City, Tanauan City, Sto. Tomas City, Calaca City, mga bayan ng Bauan, Lemery, Nasugbu at marami pang mga munisipalidad sa lalawigan ng Batangas.
BUTCH ALIAS SGT. CORPUZ “KAPUSTAHAN” SA BOOKIES,
SAKLA, PERGALAN, BURIKI ATBPA ILIGAL SA LAGUNA
HIHIGIT pa sa 100 ang bilang ng mga STL con-jueteng o bookies operator sa CALABARZON area, ngunit nakabase ang top 20 bookies operator na ito sa Laguna at Batangas, 13 sa kanila ay nasa Laguna at pito naman ang nasa Batangas, ngunit hindi rin naman masyadong pahuhuli sa dami ang mga kapitalista na kumikilos sa lalawigan ng Quezon, Cavite at Rizal na karamihan pa ay sangkot din sa pagbebenta ng droga.
Ang lahat ng mga ito ay protektado ng ilang opisyales ng kapulisan,NBI at iba kapalit ng kinokolektang protection money ng mga “kapustahan” (tong kolektor).
Sa bawat probinsya ay may nakatoka namang “kapustahan” (tong kolektor) sa mga operator ng STL bookies o jueteng, sakla, pergalan at iba pang iligal na pinagkikitaan ang ilang tiwaling top police at NBI official sa rehiyon.
Kinilala ng anti-crime and vice crusader ang mga isinusukang “kapustahan” sa Laguna na isang alias Sgt. Corpuz alias Butch na ipinangongolekta ang tanggapan ni Laguna Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio at alias Sgt. Adlawan para sa ilang CIDG official.
Walang nakakaligtas sa kanilang iligalista kabilang na ang buriki operator na si Ador na may pwesto ng paihian sa likod ng Yakult Phils., Brgy. Makiling, Calamba City at ang Nofrada Gang na nagpapatakbo ng illegal parking at terminal ng cargo truck sa kahabaan din ng Brgy. Makiling Highway sa pakikipagkutsabahan ng ilang kapulisan ng Calamba City, PNP Highway Patrol Group (CHPG) at ilang barangay official kapalit ng libu-libong protection money.
May weekly tong koleksyon din sina Sgt. Corpuz aka Butch sa mga pergalan operator na sina Noni sa Brgy. Masapan, Melvin sa Brgy. San Roque kapwa sa bayan ng Victoria, Aris sa Lucban, San Pablo City, Arnel sa Cabuyao, Judith sa Brgy. Balibago at Calamba City Proper at iba pang pergalista sa San Pedro City, Sta Rosa City, Binan, Pagsanjan, Bay, Jake ng Lumban at ng may 30 iba pang kapitalista ng pergalan (perya at sugalan) sa Laguna.
Obligado din na lingguhang sumuka ng protection money para kina Sgt. Corpuz aka Butch at Sgt. Adlawan ang may mahigit din sa 30 sakla operator sa ibat ibang panig ng lalawigan.
Pinangalanan ng anti-crime and drug watch group ang ilan sa mga sakla operator na suki nina Sgt. Corpuz aka Butch at Sgt. Marcial na sina Jayson at Bok sa Brgy. Bobuyan Calamba City, Joan at Robert sa Tiffany Subdivsion, Cabuyao City, Sgt. Oruga sa Bagong Karsada, Calamba City, Jun Casti sa bayan ng Bay, Jenny sa Cabuyao City, Bong- Sta Rosa, Binan, Calamba City San Pablo City at Los Banos, Leviste sa Nagcarlan, Liliw at Victoria, Katimbang sa bayan ng Rizal at iba pa.
SGT. MARCIAL, “KAPUSTAHAN” SA RIZAL, SANTIAGO AKA TAGOY SA CAVITE
Si alias Sgt. Marcial ang pinaka-bantog na kapustahan sa probinsya ng Rizal pagkat walang pangingiming ginagasgas din nito ang pangalan nina RD Nartatez Jr. at Rizal PD Col. Dominic Baccay sa kanyang pangongotong, samantalang si Santiago alias Tagoy ay sa Cavite naghahasik ng lagim gamit na pangalan ay kay Cavite OIC PD, P/Col. Christopher Olazo.
May tinatarahan si Sgt Marcial na pergalan operator sa Olalia Drive sa bayan ng Cogeo, kay Jess sa tabi ng Palmera Restaurant, J.P Rizal Street, sa Highway 2000 ay may dinudumog ding pergalan. May tongpats din si Sgt. Marcial sa pergalistang sina Rambu, Elvie, Juan, Bondying at Jess kasama na ang pergalan operator sa bayan ng San Mateo.
Naghahatag din kay Sgt. Marcial ang STL con-jueteng operator na si Sola para kay code-name RC at ilang Camp Vicente Lim sa Laguna at Camp Crame police official, sa Quezon City.
Sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite ay tuloy pa din sa pasakla nina Ailyn Landi at Santiago aka Tagoy habang nakabantay ang pulis na sina Pilapil at Jack. Isang Maricon, beteranang magsasakla at pergalan operator, ay may tatlog buwan nang nag-ooperate ng mga sakla den maging sa “tongki ng ilong” ng hepe ng lokal na kapulisan sa mga bayan ng Noveleta at Naic, kapwa sa Cavite.
Bukod sa pagiging operator ng sakla sa GMA, si Santiago aka Tagoy ay nangongolekta pa ng tongpats sa pangalan ng tanggapan ng walang kamalay-malay na si Cavite OIC PD. Col. Christopher Olazo. Kasama ni Santiago aka Tagoy sina Jack at Pilapil na “kapustahan” (tong kolektor) naman ng isang CIDG official sa Cavite.
“KAPUSTAHAN” SA QUEZON, ALIAS SGT. UCHIN
Matunog naman ang pangalan ng isang alias Sgt. Uchin na siyang “kapustahan” (tong kolektor) para sa mga opisina ng Quezon PNP Provincial Police Office at CIDG Provincial Office. Sa mga tinatarahan ni alias Sgt. Uchin ay nangunguna sa dami ng pwestuhan ng pergalan ang isang alias Mely sa bayan ng Tayabas.
Ang iba pang kinokolektahan ni Sgt. Uchin na pergalista ay sina Josie sa bayan ng Lucban, Bebot sa Brgy. Behiya, Tiaong, Sandy sa bayan ng Dolores, Jocy sa Brgy. Sampaloc, Lucban, at Ajilyn na tatlo ang inuokopa- Mauban, Padre Burgos at sa Candelaria.
May koleksyon din si alias Sgt. Uchin sa paihian nina Lito sa bayan ng Candelaria na may pwesto rin ng burikian sa bayan ng Tuy, Batangas, Bong at Bobby sa Lucena City at Lani sa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong, lalawigan din ng Quezon.
Ang ilan lamang sa mga kinokotongan STL bookies operator ni alias Sgt. Uchin gamit ang opisina ni Quezon PD Col. Lyndon Monte ay sina Pando sa bayan ng Catanauan at Sariaya, Boss Ejay ng Sariaya, Rayman ng Tagkawayan, Isla ng General Nakar at Banong ng Tiaong.
May lingguhang padating din sa mga ito ang maraming illegal logger at quarry operator sa Bundok- Peninsula at mga liblib na bayan ng Quezon.
Ngunit nakapagdududa namang nakakalusot sa “pang-amoy” ang mga kabalbalang ito ng mga “kapustahan” kina Cavite Provincial Director Col. Christopher Olazo, Batangas PD. Col. Pedro Soliba, Laguna PD. Col. Randy Glenn Silvio, Rizal PD. Dominic Baccay at Quezon PD. Col. Lyndon Montes? Ngunit sa ilalim ng Command Responsibility ang dapat unang-unang kastiguhin dito nina Sec. Abalos at PDG Azurin Jr. ay si RD4A Nartatez Jr.
***
Para sa komento: sianing52@gmail.com; cp # 09664066144