Advertisers

Advertisers

584 TIWALING PULIS SINIBAK SA SERBISYO!

0 182

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 584 miyembro nitong mga sangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidades sa patuloy na paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya.

Base sa rekord ng PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), sinabi PNP Chief, Director General Rodolfo Azurin Jr., umabot na sa kabuan 2,635 pulis ang napatawan ng karampatang parusa sanhi ng mga kinakaharap na kasong administrative dahil sa paglabag sa PNP rules and regulation o pagkakasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidades.

Ayon kay Azurin, ang pagpapataw ng mabigat na kaparusanahn sa mga pulis na lumalabag sa “discipline at misconduct” ay patunay na hindi nito kinukunsinti ang sinoman lumalabag sa kanilang itinatakdang mga patakaran.



Mula sa 2,635 pulis na kinasuhan, 584 ang sinibak sa serbisyo, 164 na-demote ng ranggo, 1,225 napatawan ng suspensyon, 45 reprimanded, 117 pinatawan ng salary forfeiture, 26 ang restricted sa quarter, at 63 ang pinatawan ng pagtangal ng privileges.

Mula sa 584 sinibak sa serbisyo, 321 ang AWOL, 42 ang paggamit ng droga, 15 ang bigong dumalo sa court duty, 20 ang violence against women at ang iba ay sangkot sa kasong murder, homicide, carnapping, illegal drugs, robbery extortion at rape.

Kaugnay nito, sinabi ni Azurin ang pagbaba ng crime sa bansa ngayon taon kumpara sa nakaraan taon 2021.(Mark Obleada)