Advertisers
ARESTADO ang isang barangay chairwoman na sangkot sa pagpatay sa nakaupong barangay captain noong Mayo 2022 sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon Police chief, Colonel Amante Daro, ang inarestong aksudao na si Jennifer Loquez, 45, chairwoman ng Brgy. Tonsuya.
Sa report ni Daro kay Northern Police District (NPD) director, Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, 11:50 ng umaga nang arestuhin si Loquez ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police sa Sanciangco St., Brgy. Catmon.
Inaresto si Loquez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Josie Rodil ng Regional Trial Court (RTC) Branch 293, Malabon City noong December 27, 2022 sa kasong Murder.
Si Loquez ang sinasabing nasa likod ng pagpamatay sa dating barangay captain ng nasabing barangay na si Felimon ‘Pilo’ Villanueva, 68, noong May 28, 2022.
Batay sa rekord ng pulisya, nakaupo sa harap ng kanyang bahay sa 1 C. Perez Street., Barangay Tonsuya si Villanueva 9:35 ng umaga nang lapitan ng isa sa dalawang salarin na sakay ng isang motorsiklo at ilang beses na pinaputukan sa katawan.
Dahil si Loquez ang number 1 na kagawad, awtomatikong pinalitan niya si Villanueva sa ilalim ng law of succession.