Advertisers
NASAWI ang isa katao at tatlo ang sugatan sa pagsabog ng granada Huwebes ng gabi sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Oto Biangan Lamalan, habang ang mga sugatan ay sina Esmael Landing, Anggara Mangadta at Kentol Macaalay, mga residente ng Purok 8, Barangay Kidama, Maftalam, Cotabato.
Ayon kay Matalam Chief of Police, Major Arniel Melocotones, nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Brgy. Kidama. At nang usisahin ng mga opisyal ng Barangay, nakita nila ang mga biktima na duguan at humihingi ng tulong.
Agad dinala ang mga sugatan sa pagamutan nguni’t hindi na umabot ng buhay si Lamalan na sentrong tinamaan ng granada.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naturang pangyayari.