Advertisers
DAHIL sa matinding depression na nararanasan, dalawa katao kabilang ang isang Japanese national ang tinapos ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite.
Nadiskubreng nakabigti sa kanyang kuwarto si Denver Celeste, 30 anyos, Lalamove rider, ng Phase 2 Kaia Homes, Brgy. Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite 1:00 ng hapon ng Miyerkoles ng kapitbahay na si Marilyn Alibo.
Sa salaysay ni Alibo, pinuntahan niya si Celeste sa loob ng bahay nito subali’t laking gulat niya nang makita ito na nakabigti.
Nakakaramdam umano ng labis na depression si Celeste dahil sa sobrang pagseselos nito.
Samantala, 7:00 ng gabi nang madiskubre naman si Akihiro Okochi, nasa hustong gulang, may asawa, Japanese national, businessman, ng B11 L8 GL1 Lancaster New City, Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City.
Ayon kay Jackson Rondina, natagpuan niyang nakabigti ng bed sheet ang kaibigan sa loob ng stockroom na katabi ng kusina.
Sa pag-imbestiga ng pulisya kay Rondina, may financial problem ang Hapon. (Irine Gascon)