Advertisers

Advertisers

‘Pagbaba ng bigas sa P20 per kilo, walang pag-asa’

0 170

Advertisers

INIHAYAG ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na walang pag-asa ang naging pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibaba ang presyo ng bigas sa bansa ng P20 kada kilo.

Sinabi ni Rosendo So, pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), posibleng tataas pa sa bansa ang presyo ng bigas ng P42 kada kilo sa Enero.

Ayon kay So, naglaan si Marcos Jr. ng nasa P4 bilyong fertilizer subsidy, pero hanggang ngayon, wala pa umanong natatanggap ang mga magsasaka. Paliwanag ni So, mataas pa rin ang pag-ani kapag walang subsidiya kaya magiging mataas din ang presyo ng bigas.



Dagdag pa ni So, tumaas sa world market ang presyo ng bigas. Baka umano sumabay ang mga local rice dealer sa presyo ng mga iniimport na bigas sa bansa. (Mula sa ABS-CBN News)