Advertisers

Advertisers

Tindero pinatay sa palo at tinangay ang P11k kita

0 196

Advertisers

NASAWI ang 60-anyos na lalaki, habang sugatan ang kasama niya nang pagpapaluin ng tatlo katao habang nagpapahinga sa bangketa sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang nasawi na si Salvador Baniqued, taga sa Sampaloc, Manila.

Nagpapagaling naman sa tinamong sugat dahil sa palo ng kahoy ang kasama nitong si Crispin Francisco, 56.



Ayon sa pamangkin ni Baniqued, nagbabayan-bayan ang dalawang biktima para kumita sa pamamagitan ng paglalako ng mga laruan.

Pero habang nagpapahinga sa bangketa ang mga biktima, inatake sila ng tatlong lalaki at pinagpapalo ng kahoy.

Tinangay ng mga salarin ang kita ng mga biktima na aabot sa P11,000.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nadakip ang tatlong salarin, isa rito ay menor de edad.

Kinilala ang dalawa sa mga salarin na sina RJ Cortuna at Benedict Bingua, residente ng Tanuan City.



Hindi na nabawi ang pera ng mga biktima.

Sinabi ni Bingua na hindi nila intensyon na patayin ang biktima at pagkuha lang sa pera ang kanilang pakay.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mga nakakulong na salarin.