Advertisers

Advertisers

Alden papasukin ang international market ngayong 2023

0 172

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

INAMIN ng Asia’s Multimedia actor na si Alden Richards na hindi smooth sailing ang naging takbo ng taong 2022 sa kanya at dumaan siya sa maraming pagsubok na may kaugnayan sa kanyang showbiz career at negosyong itinayo na pilit niyang nilagpasan.
At sa pagpasok ng bagong taon, 2023, tuloy pa rin ang laban para kay Alden, para sa kanyang karir ay tinatarget niyang makapasok sa international market at sa kanyang negosyo ay may balak na mag-venture pa si Alden sa iba pang line of business plus ang kanyang pangarap na E-sports gaming competition ay kasado na ngayong buwan ng Enero.
Hindi lang locally kundi international competition para makilala ang galing ng mga Pinoy pagdating sa E-gaming sports.
“Hindi naman talaga lagi smooth sailing ‘yung buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day may mga learnings ako roon. So I’m very grateful for it. And I have to admit, hindi naging madali ‘yung 2022.
Yung kaba, ‘yung nervousness, ‘yun ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you’re just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo,” sabi ni Alden.
Learning from the past year ay pinag-aaralan na ngayon ni Alden ang susunod niyang hakbang para sa proyektong maaaring gawin ngayong 2023, tulad ng pelikulang for international release, TV project, at mag-produce ng malalaking concerts.
***
SANAY man sa mga mapapangahas na sexy scenes itong si Ayanna Miisola ay may insidente pa rin siyang nakikita na nagpapalakas ng tibok ng kanyang dibdib.
Para kasi kay Ayanna, ang hubaran sa eksena ay keri na niyang gawin kahit pa sabihin na pati ang kanyang kapartner ay walang anumang saplot maliban sa plaster sa alaga nito.
Pero sa latest movie na ginawa niya under Vivamax na streaming na ngayon in all Vivamax Apps ay kakaibang experience ang kanyang nasaksihan. Hindi niya sukat akalain na ‘bubulaga’ pala ang alagang ‘dragon’ ng kanyang leading man sa movie na “Bugso”, na si Sid Lucero.
Ang siste ay face to face pa sila ng ‘dragon’ ng kanyang idol na si Sid.
Hindi pala kasi nakapag-plaster si Sid gaya sa mga aktor na naka-eksena n’ya sa mga naging pelikula n’ya before.
“Makuwento ko lang, isang beses, parang may scene du’n na hindi talaga s’ya nag-plaster. Tapos nag-galing-galingan pa ako kay Direk Adolfo Alix, Jr.. Sabi ko, ‘Direk, ako na magtatanggal nu’ng underwear ni Sid.
Kasi kailangan s’ya sa scene. So, nagulat ako, may nakita ako doon. Hahaha! First time ko ’yon. My God!” Ayon, totoo talaga. … may dragon akong nakita,” natatawang say ni Ayanna.