Advertisers

Advertisers

Bashers na nag-akusang may bf na tattoo artist si Kylie, nabutata

0 250

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

BUTATA ang mga basher ni Kylie Padilla na sinabihan siyang two timer. Pinababayaan daw ang dalawang anak na lalaki na nasa poder ni Aljur Abrenica. Hindi pa naman annul ang kanilang kasal ay may lalaking kapalit na raw ang anak ni Senador Robin Padilla.
Buti mabilis sumagot ang mga close fans ng Kapuso actress na nakita lang sa social media na may nag-post na legs sa Instagram. Pilit nilang inuugnay na karelasyon nito ang tatto artist.
Wala bang bago? E, si Aljur wala bang karelasyon? Naghuhumiyaw ang pagsintang purorot niya kay AJ Raval at may isyung nanganak na ito.
Anyway, di pinababayaan ng GMA-7 si Kylie, kasama siya sa mega series na Voltes V Legacy.
***
ANONG PROYEKTO GAGAWIN NI VILMA SANTOS SA 2023?
ANO bang proyekto ang sisimulan ni Vilma Santos? May serye nga bang inalok ang ABS-CBN at matuloy na ang syuting ng pelikula?
Binigyan siya ng parangal sa katatapos na MMFF’22 at ngayong taon na ito ay may TV special sa aktres para sa kanyang 60th showbiz anniversary.
Pero, inggit much ang mga faney ni Vilma na umaasa rin na makakamit ng idolo ang
National Artist award.
Dapat gumawa muna si Vilma ng mga pelikula na kikilalanin sa iba’t ibang international filmfest as in magwawagi siyang international best actress.
Kaya pa ba niya umarte sa harap ng kamera?
Kung bakit kasi nagpalamon siya sa pulitika kaya naiwan siya ng milya milya ng kanyang kumareng Nora Aunor sa mga natanggap na parangal lokal man o abroad.
Panahon na para kumilos si Vilma na huwag panay pralala na magbabalik sa syobis. Ayaw ko isipin na magiging abala siya sa pag-aalaga sa apo niya kina Luis at Jessy, huh?
***
ZANJOE BOTO SINA IBYANG AT PAPA ART
SA annual Atayde mass at get together ay kasama si Zanjoe Marudo. Oo, miyembro na ng mga Atayde ang aktor. Bukas na aklat ang pagmamahalan nila ni Ria Atayde. Sa dami ng mga artistang lalaking nanligaw sa dalaga nina Sylvia Sanchez at Papa Art ay si Zanjoe ang kanyang sinagot. Mismong si Ibyang pa ang nagbuking sa relasyon ng dalawa.
Kung sabagay, masuwerte na si Ria, siya na ang huling babaeng mamahalin ni Zanjoe. Kitang kita naman ang kanilang sweetness, no!
Opps, sana magkasama sina Zanjoe at Ria sa future projects ng ABS-CBN o kaya sa pelikula.
Well, like her kuya Arjo, natagpuan na rin nito ang kanyang love sa katauhan ni Maine Mendoza.