Advertisers

Advertisers

Heaven nagka-trauma, ayaw na ng dyowang taga-showbiz

0 261

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NILINAW n Heaven Peralejo na walang katotohanan ang pang-iintriga sa kanila ni Ian Veneracion, na kapareha niya sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi.
May mga nagsasabi kasi na noong ginagawa pa lang nila ang nasabing pelikula ay sweet sila kahit off-cam.
“Siguro kasi, of course, we work together, kailangan ko rin namang galingan. Siguro nadadala ko lang off screen, pero what I have for him is respect.
“Full of respect and, of course, love din. May pagmamahal din ako kay Chief (pangalan ng character ni Ian sa NAG). He’s the best partner, what can I do, di ba?” sabi ni Heaven nang makausap namin sa block screening ng Nanahimik Ang Gabi sponsored by BNY na isa siya sa endorser.
Ayon pa kay Heaven, hindi siya papatol sa may asawa.
“Hindi ako yung tipo ng babae na nakikipagrelasyon sa isang lalaking may pananagutan na sa buhay. Ayokong maging homewrecker,” aniya pa.
Walang pang bagong karelasyon si Heaven after nilang maghiwalay ni Kiko Estrada.
Kung sakaling papasok ulit siya sa isang relasyon, ayaw niya na ng taga-showbiz.
“I cannot, I really cannot. Na-trauma na ako, especially ako nga, personally, ayoko na ng showbiz na dyowa. Na-trauma na ako. Parang di na siya nakakatuwa.
“Pero masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Di ko kailangan ng lalake.
“Ako, masaya ako sa buhay ko. Ang love life ko kasi ngayon is career ko, yun ang pinagkaka-busy-han natin.
“Pero kung may darating, darating, pero kung wala, e, di wala,” diin pa ni Heaven.
Ano ba ang mga natutunan niya sa nakaraan niyang mga relasyon na ia-apply niya sa susunod niyang pakikipagrelasyon?
Sagot niya,”I learned a lot. Siguro una kong natutunan, kung di talaga, di talaga. Mararamdaman mo kasi yun, if everyone is against it, there’s something wrong.
“Sobrang immature ko pa. Kumbaga nung mga panahon na yun na I thought love is supposed to be like this, now I know much more.
“It’s supposed to be free-flowing. It gives you dapat happiness, dapat walang stress.
“Pag binibigyan ka na ng pimples at sakit ng ulo, hindi na siya maganda, di na siya nakakatulong.”
***
BONGGA si Mygz Molino, huh! Kasisimula pa lang ng taon, heto’t tatanggap na agad siya ng award mula sa Asia’s Royalty Awards. Ito ay ang Asia’s Royal Award for Most Coveted and Empowered Charity Vlogger and Ispiring influencer of the Year. Ang awards night ay gaganapin sa Okada Manila sa January 30.
Bukod pa rito, ang kanta niyang Happy Lang ay napasama sa The Karepublican Top 100 Songs of the Year ng 92.3 Radio Calatagan Batangas.
Samantala, noong December 10 ay ipinagdiwang ni Mygz ang kanyang kaarawan. Instead na magkaroon ng malaking party, mas pinili niya at ng kanyang manager na si Tatay Jeth Carey na magkaroon na lang siya ng Meet and Greet para sa kanyang mga tagahanga, na ginawa sa San Juan Arena. Ito ay bilang pasasalamat niya sa mga ito na patuloy na sumusuporta sa kanya mula nang magsimula siya sa showbiz at hanggang ngayon.
Grabe ang dami ng iba’t ibang fan club ni Mygz na dumalo sa kanyang Meet and Greet, na yung iba ay nanggaling pa sa malalayong probinsiya, at yung iba naman ay mula pa sa ibang bansa, na umuwi lang ng araw na yun para kay Mygz. Ganoon nila kamahal ang binata.
Naging special guests ni Mygz sa kanyang Meet and Greet ang tatlo sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Kiray Celis, John Vic de Guzman at Jason Francisco, na nakatrabaho niya noon sa defunct series ng GMA 7 na Owe My Love.
Sa opening number ni Mygs ay sumayaw siya with back-up dancers. Grabe ang hiyawan at palakpakan ng kanyang mga tagahanga sa kanyang performance.