Advertisers

Advertisers

Ika-2 miting kay Pres. Xi Jin Ping…PBBM SA CHINA

0 179

Advertisers

LUMIPAD nitong Martes patungong China si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang state visit.

Ang pagtungo ng Pangulo sa China ay pagpaunlak sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jin Ping nang sila’y nagkaroon ng bilateral meeting sa Bangkok, Thailand bilang bahagi ng sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit nitong nakaraang taon.

Bago tumulak sa China ay nagbibigay ng departure statement ang Presidente. Inilalahad ng Punong-Ehekutibo ang kanyang pakay sa pagbiyahe, ang palakasin ang relasyon at ugnayan ng dalawang bansa sa pang-ekonomiya.



Tatagal ang Pangulo sa China hanggang January 5 (Huwebes).

Ilang business agreement ang inaasahang malalagdaan sa biyaheng ito ni Pangulong Marcos bukod sa ikalawang pagkakataon na makakaharap ang lider ng China habang ilang MOU din ang mapipirmahan.

Makakasama ng Pangulo sa state visit sina First Lady Louise Araneta-Marcos, dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade Secretary Alfredo Pascual, Tourism Secretary Christina Frasco, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, at ilan pang Cabinet members. (Vanz Fernandez)