Advertisers
SINIMULAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang 2023 annual report nitong Martes.
Ang annual report ay alinsunod sa Alien Registration Act of 1950, na nago-obliga sa lahat ng foreign nationals na may immigrant at non-immigrant visas na mag-report sa bureau sa loob ng unang 60-araw ng bawat taon.
Ipinaliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco na sa ilalim ng nasabing batas, ang mga dayuhang nagtataglay ng immigrant at non-immigrant visas at inisyuhan ng alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) ay obligadong ipakita ang kanilang sarili sa bureau para sa annual report. Required din na magpakita ang mga refugees at stateless aliens.
Ang annual report ay magpapatuloy hanggang March 1, 2023.
“The venue of the annual report has been transferred from the BI Main Office to two major malls—Robinsons Place Manila and SM Mall of Asia,” sabi ni Tansingco.
“The aim is to bring the service closer to the people, to provide convenience and accessibility,” dagdag pa nito.
Maliban pa sa dalawang malls, ang mga tanggapan ng BI sa buong bansa ay handa ring maglingkod sa mga dayuhang magre-report.
Sinabi naman ni Lawyer Jose Carlitos Licas, BI alien registration division chief, ang mga dayuhan naman na pupunta sa BI para sa kanilang annual report sa mga immigration office sa buong bansa ay kailangan munang mag-register sa BI’s online registration system via http://e-services.immigration.gov.ph.
Kailangang ipakita ng sinumang dayuhan na magre-report ang kanilang original ACR I-Card at valid passport at magbayad ng P300-annual report fee at P10-legal research fee.
Ang mga dayuhan naman na wala sa bansa sa panahon ng reporting period ay maaari pa rin namang magreport sa loob ng 30 days mula sa petsang ng kanilang pagdating sa bansa basta valid pa rin ang kanilang re-entry permits.
Para sa mga dayuhang ang edad ay below 14-year old, ang kanilang magulang o legal guardian ang obligadong mag-report para sa kanila. Exempted naman sa personal appearance ang mga senior citizens at persons with disability at maaaring mag-file sa pamamagitan ng kinatawan na may Special Power of Attorney. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)