Advertisers

Advertisers

Caloocan Police pinuri ni Mayor Along sa pagkakaaresto sa 2 ‘Most Wanted Persons’

0 250

Advertisers

Pinuri ni Caloocan City Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Caloocan City Police Station (CCPS) sa matagumpay na operasyon na humantong sa pagkakaaresto sa dalawang ‘Most Wanted Persons’ (Rape) sa lungsod.

“Sinasaluduhan po natin ang ating mga pulis, sa pangunguna ni PCol. Ruben Lacuesta. Sa pagpasok ng taon, mananatili ang ating administrasyon ang paglilinis ng listahan ng mga Most Wanted sa lungsod,” wika ni Mayor Along.

Kinilala ang mga nasabing suspek na sina Renz Martin Phillip Tolentino, 20 anyos, Top 10 Most Wanted (District Level); at Richard Divina Salmorin, 32 anyos, Top 7 Most Wanted (Station Level).



Pinangunahan ni PMaj. Jeraldson Rivera at PMaj. Vilmer Miralles ang nasabing mga operasyon na isinagawa noong Enero 3, 2023 kaugnay ng “LOI Manhunt Charlie” ng CCPS.

Inulit ng lokal na punong ehekutibo ang kanyang paninindigan laban sa mga karumal-dumal na krimen sa lungsod at binigyang-diin din na pinananatili ng pamahalaang lungsod ang pakikipagtulungan nito sa lokal na istasyon ng pulisya upang labanan ang nasabing mga krimen.

“Hindi po tayo magsasawang paulit-ulit na ipaalala na zero tolerance po tayo sa mga krimen, lalo na sa mga Most Wanted sa lungsod. Sa oras na mahuli po kayo, hahaharapin niyo po ang buong pwersa ng batas,” babala ni Mayor Along.

“Katuwang ang CCPS, sisikapin nating gawing mas ligtas at mas payapa ang Caloocan. Asahan niyo po na patuloy tayong magsisikap para mapanatag ang ating mga kababayan,” dagdag ni Malapitan,

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">