Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang barangay kagawad nang makunan ng droga sa buy bust operation ng Lumban Municipal Police Station Sabado ng gabi sa Rizal Street, Barangay Maracta, Lumban, Laguna.
Kinilala ang dinakip na si Romeo Del Valle, Jr. alyas “Jun”, nasa hustong gulang, kagawad ng Barangay Maracta, at itinuturing na high value individual (HVI) sa listahan ng mga sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Lumban.
Sa ulat ni Laguna Police Provincial Office (LPPO) Director, Colonel Randy Glenn Silvio; kay Calabarzon Regional Director, Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., nadakip ang si Del Valle matapos niyang bentahan ng droga ang pulis na poseur buyer.
Narekober sa sa posisyon ng kagawad ang 5 plastic sachet ng shabu.
Nakakulong si Del Valle sa Lumban Police at nakatakdang sampahan ng reklamong pagbebenta ng iligal na droga. (Koi Laura)