Advertisers
Bumaba pa sa 5.7% ang COVID-19 positivity rate sa bansa ayon sa independent monitoring group na OCTA Research nitong Linggo, Enero 8.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 5.7% ang positivity rate nitong Enero 7 mula sa 5.9% noong Enero 6.
Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga indibidwal na isinailalim sa testing.
Matatandaan na nitong Sabado, nakapagtala ng 752 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health na nagpataas sa active caseload na 12,518.
Nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso ng sakit sa nakalipas na 14 na araw sa 2,359.
Sinundan ito ng Calabarzon sa 1,187; Central Luzon sa 562; Western Visayas sa 341; at Cagayan Valley sa 325 na kaso.