Advertisers
Maraming mga Pilipino ang makikinabang sa investment pledges na nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang naging state visit sa Beijing, China.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (OPS) nang matagumpay na biyahe ng Pangulo sa China.
Ayon sa OPS, mismong ang Pangulo ang nagsabi na magbubukas ng maraming trabaho para sa mga Pilipino ang naging bunga ng kanyang state visit sa Beijing.
“It’s certainly going to produce many, many jobs, when the investments come into play, when they start their operations,”anang Pangulo.
Ilan aniya sa mga investment na ito, nagsimula ng magtayo ng kanilang mga tanggapan sa Pilipinas at nagpoproseso na ng kanilang business permits para makapagsimula ng kanilang pamumuhunan.
“Some of these investments have already started their construction, have already started opening their offices, all of that.“Nagbukas na sila ng mga opisina, kumukuha na sila ng mga permit. ‘Yung mga iba na nakakuha na ng permit, inumpisahan na nila ‘yung mga construction. So that is included in that number,” dagdag ng Pangulo.
Nasa kabuuang $22.8 billion na investment pledges ang naiuwi ng Pangulo sa bansa matapos makipagpulong sa Chinese business leaders sa tatlong araw na state visit nito sa China.
Sinabi pa ng Presidente na nagsisimula na ng training at capacity building ang ilan sa mga ito para sa pagsisimula ng kanilang negosyo sa bansa.
Ang ilang mga bagong bubuksang industriya ay processing ng minerals at battery production pati na rin ang electric vehicle production.