Advertisers

Advertisers

5 isnaberong taxi drivers, arestado

0 182

Advertisers

ARESTADO ang limang taxi drivers ng mga enforcer ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa umano’y pagtanggi na maghatid ng mga pasahero sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay City.

Inilahad ni LTO-National Capital Region West director Roque Verzosa na nagmula sa mga probinsya ang mga pasahero matapos ang bakasyon nitong holiday at dumating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Aniya, tugon ang operasyon sa mga reklamo ng commuters hinggil sa mga maselan na taxi driver.



Mula Enero 3-5, ipinakalat ang LTO enforcers sa mga bus terminal upang matiyak na hindi tatanggihan ng mga taxi driver ang mga uuwing pasahero mula sa mga probinsya.

Iginiit ni Verzosa na labag ang pagtanggi na maghatid ng mga pasahero sa Joint Administrative Order No. 2014-01.

Pinaalalahanan niya ang mga taxi driver na gampanan ng maayos ang kanilang mga responsibilidad sa gitna ng dumaraming bilang ng mga taong nangangailangan ng pampublikong transportasyon.

Nasa P5,000 hanggang P15,000 ang parusa sa pagtanggi na magbigay ng serbisyo sa publiko o maghatid ng pasahero sa destinasyon.

Pagkansela ng Certificate of Public Conveyance (CPC), isang pangunahing kinakailangan sa pagpapatakbo ng pampublikong sasakyan, ang pinakamataas na parusang maaaring ipataw sa isnaberong driver.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">