Advertisers

Advertisers

Kamara pasok sa traffic shutdown noong Enero 1

0 106

Advertisers

ISANG briefing ang ipinatawag ng House Committee on Transportation nitong Lunes, Enero 10, kaugnay ng nangyaring pansamantalang air traffic shutdown noong unang araw ng taon na nakaapekto sa libu-libong pasahero.

Nakatakdang simulan ang briefing ng alas-10 ng umaga at pamumunuan ito ng chairperson ng komite na si Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Ang isasagawang briefing ay hybrid o mayroong mga kalahok na dadalo ng pisikal at meron naman sa pamamagitan ng Zoom.



Inimbita ang komite ang mga opisyal ng Department of Transportation, Civil Aviation Authority of the Philippines, Civil Aeronautics Board, Manila International Airport Authority, Department of Budget and Management, Bureau of Treasury, Department of Trade and Industry, at Commission on Audit upang makapagbigay ng linaw sa mga nangyari.