Advertisers

Advertisers

Kartel nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas – Villar

0 173

Advertisers

NANINIWALA si Senadora Cynthia Villar na ang kartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas sa mga lokal na pamilihan.

Sa isinagawang imbestigasyon noong 2013, sinabi ni Villar na ang kartel ng sibuyas ang may buong control na suplay sa bansa.

“Naimbestigahan na namin ‘yan since 2013 talagang may onion cartel. ‘Yung namimili sa farmers, binabarat nila ang farmers, sila rin ang nag-iimport so they have the complete control sa supply kaya nagke-create minsan sila ng artificial demand para ma-iincrease nila ang price kasi nasa kanila lahat ng supply,” sabi ni Villar sa panayam ng mga reporter.



Nang tanungin kung ang kartel ba ang nasa likod na napakataas na presyo ng sibuyas, sinabi ni Villar na, “Oo. Wala namang reason for that. Wala naman kasing mahal na ganon na onion.”

Bilang solusyon, sinabi ni Villar na dapat maayos ang ‘value chain’ kung saan ang mga magsasaka ay direkta magbebenta ng kanilang ani sa mga konsyumer at hindi na dadaan pa sa mga negosyante.

“I think dapat yung value chain natin. Yung mga farmer makakapunta sa consumer hindi sila daraan sa traders. That’s the solution, that’s always been the solution,” sabi ni Villar.