Advertisers
IPAPATUPAD ngayong araw ang buena manong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong taon.
Base sa abiso ng Pilipinas Shell, Sea Oil Philippines at Petro Gazz, bababa ng 0.75 centavos per liter ang presyo ng gasolina, habang P2.80 sa kada litro ng diesel, at P2.10 naman sa kerosene.
Epektibo ang panibagong price adjustment sa produktong petrolyo simula ng ala-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng rollback dakong 8:00 ng umaga.