Advertisers

Advertisers

AFP itinanggi ang destabilization plot laban sa Marcos government

0 166

Advertisers

MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may nagaganap na destabilization plot laban sa Marcos administration.

Kasunod ito ng kumakalat na pekeng memo at maling impormasyon kung saan may ikinakasa umanong destabilisasyon sa hanay ng ahensya dahilan para isailalim sa full alert status ang Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar, hindi totoo ang balitang may nagaganap na destabilisasyon sa kanilang ahensya laban sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.



Ani Aguilar, nananatiling matatag ang moral at walang nagiging hadlang sa AFP para protektahan ang Pilipinas laban sa mga bansang nagnanais ng kaguluhan o kasamaan.

Una nang inihayag ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr., na normal lang ang ganitong haka-haka lalo na sa tuwing magkakaroon ng pagbabago sa mga posisyon sa hanay ng PNP, AFP at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sinabi pa ni Azurin na natural lang na naka-heightened alert ang mga nagpapatupad ng batas dahil na rin sa mga nagdaang aktibidad partikular na ang Holiday season.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng PNP at AFP ang mga sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa destabilisasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">