Advertisers

Advertisers

DOTr Sec. Bautista humarap sa imbestigasyon ng Kamara ukol sa aberya sa NAIA

0 151

Advertisers

PERSONAL na humarap si DOTR Sec. Jaime Batuista sa isinasagawang pagdinig ng House Committee on Transportation, hinggil sa nangyaring pag-palya ng air traffic management system ng NAIA noong January 1.

Bunga nito, kasama ng kalihim na humingi ng paumanhin at pang-unawa sa lahat ng pasahero na naapektuhan ng delayed o cancelled flights dahil sa systems glitch, si CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, upang masiguro naman na hindi na mauulit ang nangyaring aberya, kasabay nito sinabi ni Tamayo na may mga inilatag na silang short term measures at kabilang dito ang pagkakaroon ng back up na UPS system.

Nitong nakalipas na January 5, nakapag-procure na aniya ang CAAP ng dagdag na dalawang UPS at ongoing na ang pagkakabit dito.



Napalitan na rin ani Tamayo ng bago ang nasirang circuit breaker na dahilan ng pagbagsak ng power system sa paliparan.

Dagdag pa ni Tamayo, na nakipagpulong na ang CAAP at DOTR sa system supplier para sa gagawing pagbili ng CNS/ATM back-up at redundancy system na nagkakahalaga ng P139 million na nakapaloob na sa 2023 National Budget at posibleng maisapinal sa unang quarter ng taon. (Henry Padilla)